Okay, don’t be mad at me. This is again, a repost. I have a lot of things I want to write about but for some reason I can’t get myself to put them into words. I go blank the moment I face the monitor. It’s frustrating. Anyways, I wrote this one last year, I was still in college and some of you already know how I was back then. Here it is.
+++++
Yehes, marunong na kong gumamit ng acronym, kung ganyan man ang spelling. Matagal na kong bobo sa spelling, pero ayos naman ako sa grammar, sa pagkakaalam ko. Hindi magaling, ayus lang. Naging mabusisi ako don dahil sa kahihiyang naranas ko nung 2nd year highschool dahil isa ako sa mga mahihina sa grammar. Nakwento ko na ata yon sa mga dati kong entries. Anyways, ayun. Bat ba napunta sa spelling? Pero ang naaalala ko may time nung 1st year highschool na nasali ako sa spelling bee. Ewan ko ba. Alam ba nilang tatanga tanga ako sa sppeleing?
SI16. Yehes. SI. Si. Parang nakita ko na yan sa periodic table of elements na aliw na aliw akong basahin nung mga may chem pa kame. Wahahaha. Kunware nerd. Pero nakakatuwa lang basahin yung mga numbers sa baba, yung mga atomic weight ata yun. Hindi ko naman talaga naiintindihan yun. Trip ko lang basahin.
Ngayon ko lang nalaman na ang ibig sabihin ng ‘hooky’ ay pag cut ng klase. Wala lang. Gusto ko lang ishare. Anyways, nasa school na ren, ako’y malapit na (sana) grumadweyt ng kolehiyo. Akalain mo. Parang kelan lang isa ako sa mga musmos na batang palaboy laboy sa Jollibee Lagro, kung saan kami’y madalas tumambay pag uwian.
Hindi ako mayabang, pero hindi rin ako hipokrito. Ang totoo, hindi ako naniniwalang mahirap ang kolehiyo. Siguro para saken, o baka para sa lahat, hindi ko lang nalalaman dahil marame naman akong narinig na nagreklamo para bigyan ako ng babala sa buhay kolehiyo. Pero ang totoo, hindi ako naniniwalang mahirap ang kolehiyo. Mahirap manatili sa kolehiyo. Hindi dahil mahirap mag aral, kundi mahirap ang mga dapat mong pagdaanan para makapag aral.
Para sa akin, mas mahirap umaraw araw sa mga taong iba ang kinalakihan ng sayo. Dahil sabi nga ng iba, sa highschool, parepareho kayo halos ng mga taong nakasundo mo. Dahil pareho kayo ng naranasan sa isa sa mga mahahalagang panahon ng buhay mo. Pero sa kolehiyo, ang mga kasama mo, may ibang kasama sa isa sa pinakamahalagang panahon ng buhay nila.
Nakilala mo sila na sila na. Meron ng ’sila’. Hindi ka kasama sa pagbuo ng ’sila’. Pero kahit ano pa man, alam mong may tamang pakiramdam na kahit hindi kayo sabay naging ‘kayo’, alam niyong paglipas ng panahon na magiging magkasama kayo ay matatagalan niyo ang kanya kanyang ‘kayo’.
O di kaya naman..
Hinde?
Hindi naman talaga mahirap sa kolehiyo. Siguro may konting usog, konting pikit, konting iwas, pero sa lahat, hindi paren. Paano kung malaman mong ang ’sila’ ay hindi pala ’sila’? Paano kung ang pinapangarap mong makakilala ng ‘kayo’ ay hindi mangyayari dahil sa simula palang, and ’sila’ ay hindi mo talaga nakita?
Ayan ang mahirap sa pagpapakilala. Lalo na kung hindi mo nakita.
Minsan kaya mong tumanggap ng paliwanag ng isa, na kungsakali lang, na merong ’sila’, na hindi mo nakita pero piniling paniwalaan dahil naniniwala ka na totoo ang ’sila’ na nagpaliwanag sayo na merong ’sila’.
Pero paano na ang ‘kayo’?
Ulet.
Ulet.
Kasalanan mo bang tumingala at umasa na sa pag iwan mo sa nakasanayan mo ay meron kang panibagong makakasalubong? Na handa kang isugal ang tiwala mo para umasa na base sa ’sila’, kaya mong makisali para gumawa ng ‘kayo’?
Siguro.
Pano mo ba malalaman kung ang ’sila’ na pinakilala sayo ay ang totoong ’sila’ na kilala ng mga ’sila’ pag sila sila nalang?
Maniwala ka.
Maniwala.
Dahil may manipis na pagitan ang pagiging tatanga tanga at malaki ang tiwala.
Tumayo ka sa gitna.
Wag kang matutumba, dahil isang maling apak lang, baka malaglag ka sa kaliwa, kung saan magiging tatanga tanga ka, kung kelan dapat ay pagkatiwalaan mo ang mga duda mo sa kung sino ba talaga ang ’sila’.
Wag kang matutumba, dahil isang maling apak lang, baka malaglag ka sa kanan, kung saan magkakaron ka ng tiwala, kung kelan mas dapat na naging tatangatanga ka nalang.
Balanse.. hangin.. balanse.
Kung pinili mo mang tumalon, kanan o kaliwa, ikaw na rin ang magsasabi sa sarili mo kung tama ba ang ginawa mo.
Dahil may mga ’sila’ na dapat nalang tanggapin na ganon na ’sila’.
Minsan hindi tayo pwedeng magreklamo dahil wala tayo nung nabubuo ang ’sila’.
At minsan, kailangan tanggapin na dahil sa pinili mong babagsakan sa paniniwala sa ’sila’, maaaring maiwan ka na magisip kung bakit hindi pwedeng magkaron ng ‘kayo’.






ano ba naman kayo! may pinagsasabi ba sila? lintek, sumaket ang kukute ko! o kokoti. o kakate. o kantute? o kabute. ay talagang nalite na ake!
By: Mr. Nonsense on November 14, 2009
at 5:27 pm
Arekupo ako ren sumaket ulo ko di ko nagetch. Hahahahaha.
By: Vajarl on November 14, 2009
at 8:21 pm
Unang unang dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Susunod ang magandang daloy ng pakikipagkapwa-tao.
Binigyan ka ng tamang pambalanse at iyon ay ang iyong utak na marunong kumilala ng tama, mas marunong sumilip sa mali.
Huwag kang padadaya sa mga maling daan, baka dead-end na utoy, maraming daan ang maraming rosas sa unahan pero pagdating mo sa dulo, matitinik ka..hanggang sa dumugo ang iyong kalulwa.
May ibubuga.
By: J.Kulisap on November 18, 2009
at 2:24 pm
Saludo ako sayo J.Kul. Kung may oras ka, sana mabasa mo ren ang iba kong Sulating Impormal. Isa ka sa mga mabilis maghimay sa mensahe na natatago sa paliko liko at pilit kinukubling mensahe. Sayang at hindi na ito ang nararamdaman ko sa kasalukuyan dahil nga medyo matagal na rin nung sinulat ko to.
Pero kung wala sa kontrol mo ang ihip ng hangin, hindi ka rin naman makakapili ng lugar na babagsakan, kanan o kaliwa man ang mas gusto mo.
By: Vajarl on November 18, 2009
at 2:28 pm
May alisan naman kung saan ka ipadpad. Malay mo may isang sagot bagama’t hindi buo,kapiraso lang sa iyong nabagsakan..may sagot pa rin.
Bigyan mo ako ng panahon.
Ipagpaumanhin mo ako ay magdudura ng mga wikang alam ng aking lahi, Pilipino. Naiintindihan ko ang banyagang wika, ang Ingles pero mas gusto kong gamitin ang taal na sa ating dila o sa akin.
Ayos ba yon pare?
By: J.Kulisap on November 18, 2009
at 3:13 pm
Ayus lang yan J.Kul. Refreshing den, dahil madalas ko gamitin ang wikang inggles, para na rin maintindhan ng mga minsang nadadalaw sa bahay bahayan ko na mga banyaga. Pero may mga panahon den na nag pi Filipino ako.
Sa bandang huli nasa papaubaya din natin sa ‘malay mo?’, hindi ba’t parang wala ring pinagiba yun sa hindi kasiguraduhan kung saan manggagaling ang ihip ng hangin?
By: Vajarl on November 18, 2009
at 3:17 pm